Ay, Tech-Voc lang? Noong nagsimulang magkaroon ng senior high sa kurikulum, nagkaroon ng STEM, ABM, HUMMS, at GAS na kung tawagin ay Academic track at mayroong Technical Vocational Track o Tech Voc na mayroong apat na pangunahing kurso, Agri-Fishery Arts, Home Economics, Information and Communications Technology, at Industrial Arts, Sports, at Arts & Design. Sa unang tingin ay Academic track ang pinakamahirap dahil sa ang mga asignatura sa track na ito ay may Calculus, Chemistry, Malikhaing Pagsusulat, Philippine Politics and Governance, Accountancy, Business Math at iba pa. Sa Tech Voc naman ay may Cookery I at II, Food and Beverage Services, Animation, Technical Drafting, Housekeeping at iba pa. Dahil dito, nagkaroon ng pagkukumpara na ang Academic strand ay mas mahirap kaysa sa Tech Voc. Iniisip ng karamihan na napag-aaralan naman ang pagluluto, housekeeping, at iba pa sa bahay at madali lang ang mga ito. Ngunit ang totoo ay hindi ito madali. May NCII Tesda