Hindi Madaling Maging Tech-Voc Student

Hindi Madaling Maging Tech-Voc Student


                 Para sa iba, madali lang ang Tech-Voc. Yung tipong pa-petiks petiks lang yung mga estudyante, walang ginagawa, walang pangarap sa at “bobo”. Minamaliit ng ilan ang kakayahan at kaalaman ng mga Tech-Voc students. Sa likod ng mga pagmamaliit na yan, hindi nila alam ang mga paghihirap na dinadanas ng mga estudyante ng Tech-Voc para lang makapasa. Hindi lang utak ang pinaglalabanan sa Tech-Voc, mga mahihirap na mga gawain din gaya na lamang ng pagkukumpuni ng mga kable ng kuryente, mga sirang sasakyan at pagluluto. Hindi man katulad ng Academic strands na utak ang pinagtitibay, Ang Tech-Voc naman ang naghahasa sa mga skills at abilidad ng estudyante.
Sabi nila, gulo lang ang dala ng mga estudyante ng Tech-Voc. Ngunit hindi lingida sa kaalaman nila na ang strand na minamaliit nila ang may mas malaking ambag sa industriya, hindi lang ito nabibigyang-pansin dahil sa diskriminasyong kinakaharap namin.
Hindi porket Tech-Voc ang kinuhang strand ay iyon lang ang kaya nilang gawin at hindi na kayang pumantay sa mga Academic strands. Hindi biro ang maging Tech-Voc students, hindi rin madali ang mga sakripisyo, hirap, gastos at pagod. Kinakailangan ng matinding determinasyon at pagmamahal sa ginagawa.
Bawat strand ay may pagkakapare-parehas ngunit mayroon ding uniqueness. Hindi dapat gawing dahilan ang pagkakaiba-iba upang maliitin ang ibang mga estudyante ng ibang strands. - E. Giron

Comments

Popular posts from this blog

I am Rosebel

The Half of Pain