Hindi Madaling Maging Tech-Voc Student
Hindi Madaling Maging Tech-Voc Student Para sa iba, madali lang ang Tech-Voc. Yung tipong pa-petiks petiks lang yung mga estudyante, walang ginagawa, walang pangarap sa at “bobo”. Minamaliit ng ilan ang kakayahan at kaalaman ng mga Tech-Voc students. Sa likod ng mga pagmamaliit na yan, hindi nila alam ang mga paghihirap na dinadanas ng mga estudyante ng Tech-Voc para lang makapasa. Hindi lang utak ang pinaglalabanan sa Tech-Voc, mga mahihirap na mga gawain din gaya na lamang ng pagkukumpuni ng mga kable ng kuryente, mga sirang sasakyan at pagluluto. Hindi man katulad ng Academic strands na utak ang pinagtitibay, Ang Tech-Voc naman ang naghahasa sa mga skills at abilidad ng estudyante. Sabi nila, gulo lang ang dala ng mga estudyante ng Tech-Voc. Ngunit hindi lingida sa kaalaman nila na ang strand na minamaliit nila ang may mas malaking ambag sa industriya, hindi lang ito nabibigyang-pansin dahil sa diskriminasyon...
Comments
Post a Comment