TECH-VOC, Hindi Tech-Voc Lang

"Tech-Voc? Tamad at bobo yang mga yan"

Iyan ang kalimitang mga sinasabi ng ibang strand sa mga Tech-Voc students. Ngunit kabaliktaran naman ito ng naipapakita nila sa husay nila sa mga praktikal na gawain. May kakayahan sila na mapatunayan na ang kanilang abilidad ang magdadala sa kanila sa magandang oprtunidad. May kanya-kanyang talino at galing ang mga estudyante. Kung ang mga ABM, STEM at iba pang mga strand ay magaling sa acads, ang Tech-Voc naman ay magagaling pagdating sa skills. Hindi rin masasabing bobo at tamad sila dahil hindi lang isang asignatura ang pinagaaralan nila. Hindi lang tungkol sa pagluluto, paglilinis at pagaayos ang alam nilang gawin dahil mayroon ding subject ang mga Tech-Voc na kagaya ng sa mga iba pang strand. Halimbawa na lamang ay ang asignaturang Entrepreneurship at General Mathematics. Kahit na maraming mababa ang tingin sa Tech-Voc, hindi basehan ito para masabing tamad at bobo sila. Marami man ang nangmamaliit sa Tech-Voc, napapatunayan naman nila na hindi ito totoo pagdating sa mga praktikal na gawain at pagaaral ng seryoso. - S. Sol



"Ay Tech-Voc? Walang future yan!"

Kapag Tech-Voc walang future? Hindi! Hindi lahat ng Tech-Voc walang future o kinabukasan dahil halos lahat ng mag-aaral pinili ito kase bukod sa ito ang gusto namin, mas natututukan ang aming kakayahan. Lahat ng napag aaralan ng Tech-Voc madaling mai-apply sa tunay na buhay gaya ng pagluluto, paglilinis at marami pang iba. Lahat ng Tech-Voc may future dahil meron silang kasipagan, diskarte at dedikasyon. May kanya kanyang skills na kayang magamit sa iba't-ibang aspeto ng buhay. Hindi dahil mababa ang tingin ng karamihan sa mga Tech-Voc students ay wala na agad kinabukasan dito. Ang Tech-Voc ang isa sa mga magagandang programang ipinatupad ng DepEd para sa mga taong hindi kayang makapag-aral o hindi maituloy sa kokolehiyo. Ito ang paraan upang makapag-aral ang mga taong gustong mahasa ang mga skills at makahanap ng magandang trabaho. Ginawa ito para mabigyan ng opurtunidad ang mga taong gustong mag aral kahit na kapos sa pera. Sa Tech-Voc, lahat may future. Sipag at tiyaga lang ang kailangan. - J. Persia


"Kaya pala Tech-Voc lang kasi di qualified sa ibang strands eh"


Binibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na pumili ng strand na gusto nila pagdating sa senior high. Ngunit kadalasan sa mga gusto ng mga estudyante ay hindi naaayon sa mga kwalipikasyon na kailangan kung kaya't kalimitang nalilipat ang mga estudyante sa strand na hindi nila gusto. Pero hindi ibig sabihin nito ay kaya lang sila napunta sa Tech-Voc dahil sila ang mga "Academic Trash" kung tawagin. Kahit na madami namang pagpipilian ay may mga mag-aaral talagang mas piniling kumuha ng Tech-Voc dahil naniniwala sila na iyon ang tamang kurso para mas mapamayaman at mas mapaunlad ang kanilang mga skills. "Our success will not be measure by our strand, its on our own qualification and ability. We should stop discriminating."- R. Oabel


Comments

Popular posts from this blog

Hindi Madaling Maging Tech-Voc Student

I am Rosebel

The Half of Pain