PANGARAP


Simpleng babae pero may PANGARAP. Ako si Ronelle Rose H. Nacis, labing-pitong taong gulang at kasalukuyang nag-aaral sa Unibersidad ng Makati bilang Grade 12 na kumuha ng kursong Cookery. Panganay at nag-iisang babae sa apat na magkakapatid.

Madalas akong masabihan na napaka-simple at walang kabuhay-buhay ang mundong ginagalawan ko ngayon, pero hindi alam ng karamihan ay kabaliktaran ito. Napakataas at napakalawak ng pangarap ko sa buhay at isa na doon ay ang pangarap kong maging isang negosyante at makapagpatayo ng sariling Bakery, dahil tulad ko ay hilig din ng aking nanay ang paggawa ng tinapay. Pero dahil sa kakapusan sa oras, lakas at enerhiya ay bilang anak niya ay ako na lang ang tutupad ng kanyang pangarap. Lahat ng mga bagay na ikabubuti ng pamilya ko ay gusto kong gawin dahil sila lang ang kayamanan ko sa buhay na kahit anong mangyari ay hindi ako tatalikuran at iiwanan.

Maliban sa pagkakaroon ng sariling negosyo ay pangarap ko ding maging isang guro. Gusto kong tumayong inspirasyon sa nakararami na ang edukasyon ang sagot sa lahat ng kahirapang kinakaharap ng mundo, dahil ito lang ang kayamanang maipapamana sa atin ng ating mga magulan na walang sinumang makakakuha.

Palagi kong ipinagdarasal na sana ay matupad ang lahat ng mga pangarap ko, kaya naman lunos ko itong pinaghihirapan at pinagsusumikapan. Kahit anong problema o pagsubok man ang dumating ay handa at kakayanin kong harapin dahil inspirasyon ko ang aking pamilya at ang Panginoon. Dahil sabi nga niya, lahat ay ating magagawa basta’t manalig at magtiwala lamang tayo sa kanya.


Hindi ako nauubusan ng pag-asa dahil alam kong may malaki at magandang plano para sa akin ang Panginoon, kaya walang sinuman ang makakapigil sa akin upang tuparin ako ang aking mga PANGARAP.  






Comments

Popular posts from this blog

Hindi Madaling Maging Tech-Voc Student

I am Rosebel

The Half of Pain