Ay, Tech-Voc lang?

Ay, Tech-Voc lang?




             Noong nagsimulang magkaroon ng senior high sa kurikulum, nagkaroon ng STEM, ABM, HUMMS, at GAS na kung tawagin ay Academic track at mayroong Technical Vocational Track o Tech Voc na mayroong apat na pangunahing kurso, Agri-Fishery Arts, Home Economics, Information and Communications Technology, at Industrial Arts, Sports, at Arts & Design. Sa unang tingin ay Academic track ang pinakamahirap dahil sa ang mga asignatura sa track na ito ay may Calculus, Chemistry,  Malikhaing Pagsusulat, Philippine Politics and Governance, Accountancy, Business Math at iba pa. Sa Tech Voc naman ay may Cookery I at II, Food and Beverage Services, Animation, Technical Drafting, Housekeeping at iba pa. Dahil dito, nagkaroon ng pagkukumpara na ang Academic strand ay mas mahirap kaysa sa Tech Voc. Iniisip ng karamihan na napag-aaralan naman ang pagluluto, housekeeping, at iba pa sa bahay at madali lang ang mga ito. Ngunit ang totoo ay hindi ito madali. May NCII Tesda Exam na isang practical exam tungkol sa isang asignatura tulad ng cookery na may NCII at doon masusubukan ang skills na mayroon ka, ito ay kailangan kung gusto mong magtrabaho sa mga restaurant tulad kong isang cookery student.
Ako mismo ay nakaranas ng diskriminasyon tungkol dito noong pumunta ako sa isang university kasama si mama para mag-apply sa entrance exam sa college. May isang nanay doon na mayroong anak na kaparehas ko ng eskwelahan na pinapasukan ngayong senior high. Nag-usap sila ni mama tungkol sa track na kinukuha ng anak nila, noong nalaman ng nanay na ako ay isang Tech Voc student ay tila nadismaya siya. “Ay Tech Voc lang?” sabi ng nanay, ang kanyang anak naman ay isang STEM student, mula dito ay naipakita ang pagmamaliit ng iba sa mga Tech Voc students. Tunay na nakalulungkot ang karanasan na iyon dahil ang pagiging Tech Voc student ay hindi madali, palaging may performance tasks, mga proyekto, pagsusulit at iba pa. Hindi maaring maging easy-go-lucky sa Tech Voc dahil ako mismo ay naghihirap upang maging dean’s lister. Nalulungkot ako tuwing may ibang tao na tingin sa Tech Voc ay isang track na kung saan madali, walang mahirap na mga asignatura, ang mga estudyante ay mga mang mang at walang pakialam sa pag-aaral. Ngunit gusto kong ipaalam sa kanila na ibang iba ang Tech Voc sa kanilang mga sabi-sabi. Maraming Tech Voc students ang pumili sa Tech Voc sa kadahilanan na ito ay ang kanilang mga skills o kakayahan ay mas nahahasa at ito’y makakatulong kapag sila ay nagtatrabaho na. Karamihan ng mga trabaho dito sa Pilipinas ay kinakailangan ng skills. Ngunit hanggang ngayon, may mga ibang tao na mapagmata at ikinukumpara ang Tech Voc sa Academic track. Tunay na mahirap ang Academic track, hindi iyon maitatanggi ngunit ang Tech Voc ay mahirap din kaya’t laging tatandaan na walang matatawag na madaling track. - M. Macatangay

Comments

Popular posts from this blog

Hindi Madaling Maging Tech-Voc Student

I am Rosebel

The Half of Pain